Ang Diyos may awa sa taong ‘di butata

Filed under Caught in the Act on February 21, 2009.  

Paul Christopher Y. Cheng

Gabi ng Biyernes, naganap ang isang concert sa loob ng Oval Circle ng University of the Philippines. Dahil sikat ang banda, punung-puno ng tao ang Circle. Ang mga tao sa labas, sa kasabikang makapakinig, ay nagsimulang hampasin ang harang na naghihiwalay sa kanila sa mga tao sa loob. Umabot ang eksena sa pansamantalang pagkakahinto ng concert at panaka-nakang batuhan mula sa loob palabas at mula sa labas paloob. Sa huli, nagawang sirain ng mga tagahanga sa labas ng Circle ang harang at masaya silang nakigulo sa loob.

b32Totoo ang kasabihang, “Kung gusto, may paraan; kung ayaw, maraming dahilan.” at ito marahil ang motto ng mga karakter sa ating Ebanghelyo. “Hindi nila mailapit [ang paralitiko] kay Hesus dahil sa dami ng tao, kaya’t binakbak nila ang bubong sa tapat niya, at inihugos ang paralitikong nakaratay sa kanyang higaan.” Nanira pa ng bahay ng may bahay para lamang makita si Hesus!

Suriin natin ngayon ang ating mga sarili: ano ang handa kong gawin para kay Hesus? Kung kaya ng apat na tao na bumutas ng bubong, at kung kaya ng mga tagahanga na manggiba ng harang, ano ang kaya kong gawin para kay Hesus? Madalas ko ngang bukang-bibig, “Naku, malakas ang ulan! Hindi na lang ako magsisimba. Anyway, God will understand.” Totoo, God understands, naiintindihan tayo ng Diyos, ngunit maaaring tayo ang hindi lubusang nakaiintindi ng buhay Kristiyano.

Sinabi ni San Pablo sa Ikalawang Pagbasa, “Ang ‘Oo’ ngayon ay mananatiling ‘Oo.’” Sinabi rin ni Hesus, “Sabihin mo na lang na ‘Oo’ kung oo at ‘Hindi’ kung hindi…” (Mateo 5:37). Naniniwala akong isa sa ating mga sakit ang kawalan ng kakayahang manindigan, ang kawalan ng commitment. Nakikita ito sa, halimbawa, pagbaba ng bilang ng mga nagpapakasal. “Mabuti nang walang commitment,” ika nila, “para hindi tayo nagpapatali sa isa’t isa.”

Sakit ito sapagkat kung walang paninindigan, wala tayong dakilang bagay na magagawa. Hindi ba’t kung pinaninindigan ko ang pag-ibig sa isang babae, lalanguyin ko ang dagat marating lamang siya? Kung gayon, dahil sa marupok ang aking pananampalataya, hindi ko rin kayang gumawa ng dakilang gawain para kay Hesus. Kung simple at madali lamang ang hinihingi Niya, gagawin ko. Kung medyo mahirap, pag-iisipan ko muna.

Huwag natin kalilimutan, “Nasa Diyos ang awa; nasa tao ang gawa.”

***

Gospel
22 February 2009
Seventh Sunday of Ordinary Time
Mk 2:1-12

When Jesus returned to Capernaum after some days,
it became known that he was at home.
Many gathered together so that there was no longer room for them,
not even around the door,
and he preached the word to them.
They came bringing to him a paralytic carried by four men.
Unable to get near Jesus because of the crowd,
they opened up the roof above him.
After they had broken through,
they let down the mat on which the paralytic was lying.
When Jesus saw their faith, he said to the paralytic,
“Child, your sins are forgiven.”
Now some of the scribes were sitting there asking themselves,
“Why does this man speak that way? He is blaspheming.
Who but God alone can forgive sins?”
Jesus immediately knew in his mind
what they were thinking to themselves,
so he said, “Why are you thinking such things in your hearts?
Which is easier, to say to the paralytic,
‘Your sins are forgiven,’
or to say, ‘Rise, pick up your mat and walk?’
But that you may know
that the Son of Man has authority to forgive sins on earth”
—he said to the paralytic,
“I say to you, rise, pick up your mat, and go home.”
He rose, picked up his mat at once,
and went away in the sight of everyone.
They were all astounded
and glorified God, saying, “We have never seen anything like this.”

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!