Ang Tanging Ina

Filed under Caught in the Act on March 6, 2009.  

Gospel
08 March 2009
Second Sunday of Lent
Mk 9:2-10

Jesus took Peter, James, and John
and led them up a high mountain apart by themselves.
And he was transfigured before them,
and his clothes became dazzling white,
such as no fuller on earth could bleach them.
Then Elijah appeared to them along with Moses,
and they were conversing with Jesus.
Then Peter said to Jesus in reply,
“Rabbi, it is good that we are here!
Let us make three tents:
one for you, one for Moses, and one for Elijah.”
He hardly knew what to say, they were so terrified.
Then a cloud came, casting a shadow over them;
from the cloud came a voice,
“This is my beloved Son. Listen to him.”
Suddenly, looking around, they no longer saw anyone
but Jesus alone with them.

As they were coming down from the mountain,
he charged them not to relate what they had seen to anyone,
except when the Son of Man had risen from the dead.
So they kept the matter to themselves,
questioning what rising from the dead meant.

***

By Celso L. Chavez Jr.

celso-smallIto ang minamahal kong anak. Pakinggan niyo siya.

Animnapu’t isang taon ang nakararaan sa mismong araw na ito, isinilang ang isa sa mga pinakaimportanteng tao sa akin, ang aking Step-mom. Sa aking pakiwari’y marami na siyang napagdaanan at sa tingin ko’y naging masalimuot ang kanyang buhay bago niya makilala ang aking ama. Hindi ako ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan bagkus ako ay anak sa unang asawa ng aking ama. Sa kasamaang palad, dumating din ang panahon na ang aking ama’y nawalay sa amin. Alam kong hindi madali ang naging katayuan ng aking Step-mom– ang maiwan at mag-alaga ng isang bata na hindi niya pag-aari.

Iba ang naging pananaw niya sa pagpapalaki sa akin. Sa halip na mangibabaw ang galit at poot sa aking ama dahil sa pag-iiwan ng isang ‘di naman niya kaano-ano sa kanyang pangagalaga, siya ay naging isa isang tunay na ina sa akin. Ina na nag-aruga at nagbigay ng lahat ng aking pangangailangan – naghirap upang maitaguyod at mapalaki ako ng ayon sa mga mabuting aspesto ng buhay. Hindi ko maitatanggi ang kanyang pagiging mahigpit ngunit nang lumaon ay aking napagtanto na ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang aral lamang para sa aking kinabukasan. Tunay ang pagmamahal na ibinigay niya sa akin. Minahal niya ako bilang kanyang tunay na anak. Laging namumutawi sa kanyang labi na ako ang kanyang pag-asa sa hinaharap – ako ang kanyang pinakamamahal na anak.

Sa ating ebanghelyo ngayon, naipadama ng Diyos Ama sa kanyang Anak ang lubos niyang pagmamahal g hiat pagpapahalaga sa kanya. Nawa’y maging ehemplo ito para sa mga magulang. Sa mga anak naman na tulad ko, suklian natin ang lubos na pagmamahal na ito sa pamamagitan ng pagrespeto at pagsunod sa ating mga magulang. Muli, binabati ko ang aking tanging INA ng isang maligayang kapanganakan. Ang mga magulang na tulad ninyo ay tunay na biyaya ng Diyos – ang Diyos na siyang patuloy na nagmamahal sa ating lahat.

Bro. Celso is a seminarian from the Lorenzo Mission Institute. He currently serves in our Parish as a choir master of the children’s and CWL choirs.

Comments

One Response to “Ang Tanging Ina”
  1. cj says:

    hehe paki basa naman my article and be inspired!! hehehe self-advertisement!!! hehe:)

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!