Pagpapakasakit at Pagmamahal
Filed under Caught in the Act on November 6, 2009.
Gospel
November 6, 2009
32nd Sunday in Ordinary Time
Mk 12:38-44
by: Ramir Dimaunahan
Ang dalawang Mabuting Balita sa araw na ito- Ang Babala Laban sa mga Eskriba at Ang Kaloob ng Babaing Balo, ay may mensahe tungkol sa Panalangin at sa Sakripisyo o Pagpapakasakit.
Ayon kay Santa Teresita ng Batang si Hesus, ang panalangin at pagpapakasakit ay siyang nagbibigay sa atin ng lakas. Kapag tayo ay nagdarasal, tuwiran nating sabihin sa Diyos ang ating nais sabihin sapagkat tayo ay lagi Niyang dinidinig.
Ang pagpapakasakit ay hindi nalalayo sa pagtitiis. Huwag nating dayain ang ating mga sarili na isiping tayo ay makapagmamahal nang hindi nagpapakasakit.
Aming lingguhang gawain sa Caritas ang pagdalaw sa mga kabataan sa Manila Youth Retention Center. Bukod sa pagtulong sa umagang misa at pagbibigay ng aral katesismo sa mahigit isang daang kabataan na naroroon, ay namamahagi rin kami ng ilang pagkain. Dahil sa nalalapit ang aking kaarawan noon, nagprisinta ako na magdadala ng pansit para sa kanila sa aming pagbabalik.
Nang sumapit ang takdang araw, maaga pa ay gising na kami sa bahay upang simulan ang pagluluto ng pansit. Malakas at walang tigil ang buhos ng ulan dahil sa bagyong papalapit. Makalipas ang ilang oras ay luto na ang pansit na inilagay sa malaking kaserola. Patuloy ang buhos ng ulan at tumaas na rin ang tubig sa daan. Ako at ang aking maybahay ay nag-usap kung dapat pa ba namin dalhin ang pansit. Nguni’t aming naisip na ang pansit ay inaasahan ng marami, kaya’t kami ay nagdasal at naghanda sa pag-alis. Hindi naging madali ang aming biyahe. Muntik ding matapon ang pansit sa baha nang malubak ang padyak na aming sinasakyan. Dahil sa taas ng tubig, kinailangan pa namin maglakad bago narating ang paroroonan.
Ang magmahal ay magbigay. At ang pagbibigay na tunay ay may kasamang kirot o kawalan at pagtitiis.
Marahil, nakarating ang pansit dahil sa isang maikling panalangin.


Greetings in the name of our LORD JESUS!
This is so true, I love this phrase: “Ang magmahal ay magbigay. At ang pagbibigay na tunay ay may kasamang kirot o kawalan at pagtitiis”
Hi Kuya Ramir,
Didn’t know you’re a contributor here…congrats.
Hi Lenny!
Salamat!send also your reflection sharing..that would be nice!
kuya ramir